Friday, June 3, 2016

Watch: Mendiola Massacre, 15 Deaths Recorded! Justice For The Farmers!




Mendiola Massacre led by ex-president Corazon Cojuangco-Aquino. 15 deaths are recorded and many are wounded after the army fired at the farmers. Justice must be served for this farmers who sacrifice their lives.

 Watch the video below:

Mendiola massacre, 15 patay (Warning: Graphic) Walang habas na pinaputukan ng mga puwersa ni dating Pangulong Corazon Cojuangco-Aquino (ina ng kasalukuyang presidente na si Benigno "Noynoy" Aquino III) ang mga nagsagawa ng kilos-protesta para ipinawagan ang Genuine Land Reform noong Enero 22, 1987 sa Mendiola bridge, Maynila. Patay ang 13 katao sa naturang masaker. Mendiola Masaker - Wikipilipinas Ang Mendiola Masaker ay tumutukoy sa madugong pagsupil ng mga armadong pulis at militar sa pangkat ng mga nagpoprotestang magsasakang kabilang sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) noong 22 Enero 1987, sa Mendiola, Maynila. Nagmartsa ang tinatayang may 100,000 magsasaka o magbubukid at ang kaalyado nilang radikal na grupo patungo sa Tulay Mendiola upang humingi ng makatarungang repormang agraryo kay Pang. Corazon C. Aquino na nasa Malacañang noon. Gayunman, walang naisagot ang administrasyon sa gayong kalaking protesta makalipas ang mapayapang Aklasang Bayan sa EDSA, kundi bala, barbwayr, at batuta ng pulis at Sandatahang Lakas ng Filipinas. Ayon sa pag-aaral ng Citizens' Mendiola Commission, nagsimulang uminit ang KMP sa pamumuno ni Jaime Tadeo pagsapit ng 4:30 n.h. at nagpilit na lampasan ang Tulay Mendiola. Nagkatulakan ang mga demostrador at pulis, at walang ano-ano'y may kung anong sumabog sa hanay ng mga demostrador. Nataranta ang mga pulis at namalo ng batuta, samantalang ang iba'y nagpaputok ng armalayt, kuwarenta y singko, at iba pang kalibre ng baril. Gumanti umano ang hanay ng mga magbubukid, at may kung sinong nagpaputok sa mga pulis. May pumukol ng bato at pilbaks, at may ilang nanirador naman, samantalang gumanti ng palo sa mga awtoridad ang ibang naghihimagsik sa galit. Ang magkabilang panig Ang tropa ng pulisya at militar ay kinabibilangan ng Western Police District na pinamumunuan noon ni Col. Edgar Dula Torres; Integrated National Police (INP) Field Force sa pamumuno ni Maj. Demetrio dela Cruz; at Marine Civil Disturbance Control Battalion sa pamumuno ni Maj. Felimon Gasmin. Nakahimpil noon sa Gate 4 ng Malacañang si Hen. Ramon Montano, ang hepe ng Capitol Regional Command. Samantala, ang KMP ay binubuo ng mga tunay na magsasaka na nagmula sa kung saan-saang panig ng Filipinas, gaya sa Gitnang Luzon at Timog Katagalugan, at sinuportahan ng mga di-gobyernong samahan at samahang masa mula sa mga sektor ng manggagawa, akademista, at estudyante. Parehong nagkasala Ayon sa imbestigasyon ng CMC, kapuwa may pagkukulang ang dalawang panig. Hindi nakipagdiyalogo nang maayos ang mga awtoridad sa mga magsasaka. Nagpaputok ng baril ang magkabilang panig, ngunit kung sino ang nauna ay walang nakaaalam. Labis ang pamamaril ng pulis sa mga demostrador. Inirekomenda rin ng komisyon na bayaran ang mga biktima at ang kani-kanilang pamilya. Sampahan ng kaso ang apat na unipormadong pulis na namaril sa mga magsasaka. Sampahan ng kaso ang lahat ng opisyales ng WPD at INP Force na armado nang sandaling iyon. Sampahan ng kaso ang mga tinukoy na demostrador na pawang may hawak ng sandata. Inirekomenda rin ang parusang administratibo kina Montaño, Dula Torres, Dela Cruz, Gazmin, bukod pa kina dating WPD Superintendent Brig. Hen. Alfredo Lim at Col. Cezar Nazareno na punong seguridad sa Malacañang. Iminungkahi namang sampahan ng kaso si Tadeo dahil sa pamumuno ng rali nang walang permiso at paghimok sa mga demostrador na mag-aklas sa pamahalaan. Paggunita sa mga nabuwal na magsasaka Ginanap noong 22 Enero 2008 ang ikasampung taong paggunita sa Mendiola Masaker na nilahukan ng mga magsasakang nagmula sa Gitnang Luzon at Timog Katagalugan. Hinarap sila ng mga babaeng pulis na may tangang plakard, at waring nang-iinis kung hindi man nangungutya, hinggil sa mga magsasaka. Nanigaw ang mga demostrador bilang paglibak sa administrasyon ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo na inaasahan nilang magbibigay ng tunay, patas, at makabuluhang pagbabagong pansakahan sa buong Filipinas. Ang martsa ng mga magsasaka ay nakatuon sa pagsasabatas ng Panukalang Batas Bilang 3059 mula sa Mababang Kapulungan at inakda nina Rep. Crispin Beltran ng Anakpawis, Satur Ocampo at Teodor Casiño ng Bayan Muna, at Liza Maza at Luzviminda Ilagan ng Gabriela. Layon ng nasabing panukalang batas na ipamahagi nang libre sa mga magsasaka ang mga tiwangwang na lupa sa iba't ibang panig ng bansa. Para updated ka sa balita, i-like ang page ni Even Demata https://www.facebook.com/evendematafanpage SHARE
Posted by Even Demata on Sunday, September 20, 2015




Show Your Support By Liking Our Page Below!

Facebook Comments by The Padder
Share: